NATUTUWA ang mga Ka-Agila sa naging pagsisiwalat ni Pang. Rodrigo Roa Duterte sa mga pangalan ng mga tiwaling government officials at iba pang kawani lalo na mula sa DPWH.
Saludo po ang inyong likod sa tapang at determinasyon ng Pangulo na linisin ang gobyerno mula sa mga korap na mga opisyal at mga empleyado na kasabwat ng mga kontratista ng ‘di naman nagawang proyekto.
Bilang isang Agila, humahanga po tayo sa katapangan ng Pangulo na durugin ang mga kurakot sa pamahalaan na hindi pa nagawa ng mga nagdaang administrasyon, dahil mismong sila ay sangkot sa korupsyon.
Ibinuking po ng Pang. Duterte na “Ghost Projects” ang pinaka-raket sa DPWH na talagang tumatabo naman ang mga korap na mga opisyal at kawani ng milyun-milyong piso.
Sa kanyang Cabinet meeting nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na magsasagawa ng audit sa mga proyekto ang itinatag nyang mega task force na pinamununuan ni DOJ Sec. Meynardo Guevarra para malaman kung sino-sinong mga DPWH officials and employees ang sangkot sa “ghost projects”.
Tinukoy ng Pangulo na hindi magkakaroon ng mga “ghost project” kung hindi kasabwat ang regional director ng DPWH.
Ayon sa Pangulo, desidido nyang linisin ang katiwalian sa gubyerno kundi man maubos ay mabawasan at ang pinakamaraming maaalis ay sa DPWH.
Tiyak na magiging busy ang Sandiganbayan sa mga isasampang kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno para maparusahan o makulong man lang dahil sa nagpasasa sa pondo ng bayan.
Naging innovative si DPWH Sec. Mark. Villar sa pagmomonitor ng mga public works project na ginagamitan na ngayon ng geo-tagging o nakikita na ang proyekto sa pamamagitan ng satellite system kaya wala na halos makapormang DPWH officials at mga kontraktor na nagsasamantala sa pondo ng taxpayers.
Kudos kay Sec. Villar sa innovation na ito at hindi na makapangloloko pa ang mga tiwaling DPWH officials and employees. Keep it up, Sec!
Binabati ko muna ang mga kasamahan namin sa Makati Eagles Club at kay Kuya Eagle Louie Ceniza ng Brownfont PR agency ng Happy 3rd anniversary na ginanap sa Manila hotel nitong Nov. 6, 2020.
Para sa inyong mga reaksyon, suhestyon ay opinyon, magsend lang po ng mensahe sa [email protected]
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino