November 5, 2024

BILANG NG MGA DAYUHANG TRAVELLER SA BANSA, BUMAGSAK

Bumaba ng pitumpo’t siyam na porsiyento o 79% ang bilang ng mga dayuhang nakapagtungo sa Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, dahil ito sa mga paghihigpit o travel restrictions sa naranasang pandemya ng buong mundo na dala ng coronavirus disease o COVID-19.

Sa record ng bureau, tatlo PUNTO limang milyon lamang o 3.5 miliion na pasahero ang dumating sa bansa mula Enero  hanggang sa kasalukuyang buwan, o Disyembre 2020, kumpara sa 16.7 million na nagtungo sa Pilipinas noong 2019.

Sa bilang na ito,  2.03 million ay mg Filipino habang 1.54-million dito ay mga dayuhan.

Paliwanag ni Morente, hindi naman nakapagtataka ang pagbaba dahil sa  COVID-19 pandemic.

Inaasahan na rin aniya na patuloy ang pagbaba na ito ng mga traveller hanggang sa susunod na ngunit umaasa si Morente na makarerekober sa lalong madaling-panahon ang international travel sector lalo na kung magkaroon na ng bakuna laban sa covid-19 na magpapabalik sa tiwala ng mga stakeholder.