NAHAHARAP sa kasong physical injuries at damage to property ang isang 40-anyos na lalaki matapos mabangga ng kanyang minamanehong sasakyan ang bisikleta sa harap ng Manila City Hall sa Ermita, Manila.
Agad isinugod sa ospital ang biktimang si Raffy Canete, ng Cortada Street, Ermita, matapos ang insidente na naganap noong gabi ng Hulyo 30.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng van na kinilalang si Algie Caranto, ng Dasmariñas, Cavite.
Ayon sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Investigation Unit na naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa southbound lane ng Padre Burgos Street sa harap ng Manila City Hall.
Sinabi ng imbestigador na si SSg Gerald Gonzales, na binagbatas ng dalawa ang kahabaan ng lugar nang aksidenteng mabangga ng van ang bisikleta dahilan para tumalsik si Canete dahil sa lakas ng impak, hanggang dumating ang isang mobile car at dinala siya sa ospital.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA