CLARK FREEPORT— Sa pagpupursige na maging isang “Biker-Friendly Zone”, malapit nang buksan ng Clark Development Corporation (CDC) ang dalawang bagong bikers’ destination para sa bike-riding public at professional bikers sa naturang Freeport.
Una, ay ang Bikers’ Pit Stop na isang stopover na idinisenyo upang maging isang one-stop shop na matatagpuan sa rotunda na nasa hangganan ng Panday Pira Avenue at Creekside Road.
Ang disenyo ng pit stop ay kinuha ang inspirasyon mula sa mapunong kapaligiran at ipino-promote ang eco-friendly at sustainable design na gawa mula sa mga napulot na mga kahoy. Isa rin itong pahingahan kung saan ang mga bikers at kanilang pamilya ay makakapag-relax at recharge.
Ang pit stop ay magkakaroon ng mga retail space na maaaring paupahan sa mga interesadong concessionaires na nag-aalok ng iba’t ibang mga produkto at serbisyo para sa mga bikers.
Malapit nang maging available sa publiko ang mga food truck, bike parking area, self-service bike cleaning kiosk, parts at repair shop, first-aid clinic, banyo, at pump track.
Pangalawa, ay ang Cross Country Trail. Nagtatampok ang bagong bikers’ course na ito ng mapaghamong ruta na espesyal na ginawa para sa mga propesyonal na bikers at adrenaline junkies na naghahanap ng isang kapanapanabik na adventure.
Ang Cross Country Trail ay matatagpuan din sa kahabaan ng Creekside Road at ang starting point nito ay sa Midori Park. Ang lahat ng ito ay opisyal na magbubukas sa launching ng “Clark bilang isang Biker-Friendly Zone” sa Hunyo 3, 2022 sa harap ng museo ng Clark.
Samantala, mas maraming bike-friendly na signage na may kasamang emergency hotline ang ilalagay sa kahabaan ng mga daanan ng bisikleta at mga umiiral na bike lane upang matiyak ang kaligtasan ng mga bikers at motorista.
Ang mga ito ay makikita rin sa mga pangunahing lansangan ng Freeport na ito upang paalalahanan ang mga nagbibisikleta ng mga patakaran at regulasyon sa trapiko at mapanatili ang isang ligtas na kapaligiran para sa lahat. Ang CDC ay patuloy na nagtataguyod at nagpapatupad ng “bike culture” sa loob ng Freeport upang hikayatin ang isang malusog na pamumuhay sa mga residente, manggagawa at mga guest.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE