PATAY ang isang biker matapos masagasaan ng isang trailer truck sa kahabaan ng C3 Road sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Hindi umabot ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Jaysie Frando, 27 ng 5 L San Diego st., Brgy. Canumay West Valenzuela city.
Sa report nina PSSg Reysie Peñaranda at PCpl Billy Godfrey Aparicio kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong alas-11:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng C3-Sawata Road, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, Navotas City.
Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Jeffrey Jayoma, 38 ng Brgy. 20, Caloocan City, habang binabagtas niya ang kahabaan ng C3 Road patungong Road 10 sakay sa kanyang motorsiklo nang makarinig siya ng kalampag sa ilalim ng hindi matukoy na truck hanggang sa makita niya ang biktima at ang mountain bike nito na nasalpok na.
Ang nasabing truck ay mabilis na tumakas patungong Manila area habang isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan subalit, idineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician.
Sa isinagawa namang hot pursuit operation ng mga tauhan ng Navotas police kasama ng saksi, nagawang maaresto sa CY Panasonic, Taytay, Rizal dakong alas-7:14 ng gabi ang suspek na kinilala bilang si Jensher Sebial, 38, residente ng Imus, Cavite at driver ng isang Fuso Tractor Head (CBP4911).
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY