January 11, 2025

‘BIG ONE’ NA NAMAN KAY P/MGEN FERRO NG CIDG

BOLUNTARYONG sumuko ang  sampung (10) miyembro ng dreaded  “Abo Private Armed Group” sa isang seremonyang ginanap sa  CIDG, nitong Huwebes ng umaga sa tanggapan ng  Regional Field Unit BAR sa PC Hill, Cotabato City.

Ang makabuluhang kaganapan ay pinangunahan ni P/MGEN ALBERT IGNATIUS D FERRO, CIDG Director, kaagapay niya ang  mga ‘officers and men’ ng CIDG sa pagtanggap kay AMBEI ANSO BANSIL, ang lider ng grupo at ang siyam (9) pa niyang kasamahan na sina

KAMSALI ANSO BANSIL a.k.a. “Tali;”

JOHARI ANSO VILLANUEVA a.k.a. “Wari;”

JOHAIR ANSO VILLANUEVA a.k.a. “Ting;”

SAMSODIN ANSO VILLANUEVA a.k.a. “Unggal;”

ARNOLD ANSO MOHAMMAD a.k.a. “Nods;”

ABOBAKAR ANSO VILLANUEVA a.k.a. “Bakar;”

ABRAHAM UDTI ANSO a.k.a. “Mego;”

MONIB ANSO MOHAMMAD a.k.a. “Nibs;” at GANI ANSO ESMAEL a.k.a. “Gans.”

Isinuko rin ng grupo ang kanilang mga armas na  kinabibilangan ng isang caliber 50 barret (home-made), isang caliber 7.62 barret (home-made),  isang Garand Rifle, dalawang  (2) 12-gauge shotguns, dalawang (2) caliber .357 revolvers, isang M-79 grenade launcher, isang KG9, isang caliber .38 revolver, tatlong(3) rifle grenades, dosenang (12) 12-gauge shotgun cartridges, at dalawang (2) 40mm.

Ang naturang private armed group ay kilalang tagasunod ng yumaong dating  Parang, Maguindanao Mayor TALIB B ABO na isa sa pinangalanan at kabilang umano sa PRRD’s drug watchlist noong 2016.  Matapos masawi si Abo sa isang law enforcement operation noong 2019, nagkawatak ang grupo  at nagsipagtago sa iba’t -ibang lugar sa Mindanao partikular sa   Maguindanao at Zamboanga Del Sur.

Nagpasyang sumuko ang Abo group matapos na makumbinsi sa sinseridad ng pamahalaan  na sila ay pagkakalooban ng livelihood assistance upang  makaiwas na rin sa maidudulot ng komplikasyong  mapabilang sa agresibong  kampanya ng  CIDG kontra mga armadong grupo.

Sinabi naman ni P/MGEN  FERRO na ang boluntaryong pagsuko ng grupo ay pagpapatunay lang ng  isang sinserong hakbang sa kanilang panig ng makatotohanang rekonsilasyon para sa kapayapaan ng bayan. 

 “This is an attestation that the government is a step closer to its goal of promoting reconciliation and building peace with such groups and that the surrenderers have made the right decision in returning to government’s side for their desire of living with peace is within your grasp,” pahayag  ng Heneral.

Isang pagpupugay mula sa korner na ito sa panibagong achievement ng pamunuan at operatiba ng CIDG.Saludo kay P/MGEN Ferro sir, pero ang tunay na wagi ay ang sambayanang Pilipino.MABUHAY

Lowcut:Apektado na naman ang KABUHAYAN  at EKONOMIYA na pabalik na sana  sa normalidad pati na ang larangan ng  SPORTS sa panIbagong kapraningan sa coronavirus.

Mukhang me mga elementong ayaw matapos ang pandemya at gusto talagang malumpo na ang  hilahod nang bayan ni Juan.Puwedeng mayroong ayaw mawala ang kita sa krisis at puwede ring sinasabotahe para habang malala ang sitwayon ay magagamit nilang pambanat sa administrasyon hanggang eleksiyon. May covid variant pa more …BISYO NA TO!!