January 23, 2025

BIDA magpapabilis sa rehabilitation effort sa Boracay – Villar


DAHIL sa mahinang pagpapatupad ng environmental laws at ang pagbalewala ng tao sa mga batas na ito,  isinusulong ni Senadora Cynthia A. Villar ang pagbuo sa Boracay Island Devopment Authority (BIDA) para mapanatili ang  rehabilitasyong ginawa rito ng administasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa paghain sa Senate No. 1914 o ang ‘Act Creating the Boracay Island Development Authority (BIDA),’ iginiit ni Villar na sa kabila ng mga umiiral na batas gaya ng RA No. 9003 o ang “Ecological Solid Waste Management Act” at RA No. 9275 o ang Philippine Clean Water Act,” patuloy pa rin ang pagkasira ng kapaligiran.

“The Boracay Island, which is one of the best beaches in the world and considered a world-famous jewel of Philippine tourism, was not spared from environment degradation,” sabi ni Villar na humiling ng suporta sa kanyang panukala.

“Through the years, Boracay Island gained popularity and became a top tourism destination in the Philippines, thereby ushering in developments, such as hotels, restaurants, bars and rental houses that were built over the island to provide accommodation to the ever-growing number of tourists,” dagdag pa nito.

Ayon Kay Villar, nalabag ang ‘carrying capacity’ ng isla dahil sa patuloy na pagdagsa doon ng mga turista.

“The apathetic concern for the environment amidst the thriving development on Boracay, along with the weak implementation of the environmental laws by  authorities eventually  led to the polluted Boracay Island then,” sabi pa niya.

Noong 2018, nabunyag ang maraming paglabag sa environmental laws sa Boracay, partikular ang palpak na solid waste management at sewerage system.

Binansagan  ni Pangulong Duterte  ang Boracay na  isang ‘cesspool’ dahil sa problema sa sewerage system.

Dahil sa pagkasira ng kapaligiran ng Boracay, inisyu ng  Pangulo ang Proclamation No. 475 noong April 26, 2018 na nagpasara sa isla bilang tourist destination sa loob anim na buwan para sa rehabilitasyon nito.

Nagpalabas din ang Pangulo ng Executive Order No. 53 na bumuo sa Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) para matiyak ang rehabilitation  at ecological sustainability ng Boracay.

Sa long-term sustainability at rehabilitation sa isla, inirekomenda ng BIATF ang pagbuo sa BIDA sa ilalim ng Office of the President.  Isusulong nito at pabibilisin ang sustainable development at balanced growth ng Boracay Island.

Bubuuin ang BIDA ng mga kinatawan mula  sa DENR, DILG, DOT, DPWH, DOH, DOJ, Aklan Governor, Malay mayor, lahat ng  ex-officio members, general manager na itatalaga ng Presidente at dalawa rin mula sa private sector.

Nauna rito, tumanggap ng liham si Villar mula kay DENR Sec. Roy Cimatu na humihiling na isponsoran nito ang BIATF draft bill sa pagbuo ng BIDA.

Ayon kay Cimatu, inaasahang ang pagbuo ng BIDA ay pangmatagalang solusyon para matugunan ang mga pinagmumulan ng problema sa pagkasira ng kalikasan. Marerepaso ang BIATF sa May 8, 2021.

“In its two years of existence and steadfast efforts in rehabilitating Boracay Island, the BIATF has had to undo the decades of mismanagement of the island’s resources, and rampant violation of environmental laws,” sabi ni Cimatu.