Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang panukala na pagayan na ang mga nabakunahang banyaga na makapasok sa bansa bilang pagsisikap na buhayin ang turismo sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente tutulong sila sa pages-set up ng “green lane” para sa mga bakunadong dayuhan sa iba’t ibang daungan upang bigyang-daan ang muling pagbubukas ng tourist destination alinsunod sa pasya ng
Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) deem it viable.
“If approved by the IATF, we in the Bureau support this initiative by the Department of Tourism (DOT) as it will not only resuscitate our tourism industry. It will also generate employment for millions of Filipinos who lost their jobs due to the pandemic,” ayon kay Morente.
Pinagkakatiwalan aniya niya ang karunungan ng IATF sa pagdedesisyon kung kailan na bukasan ang hangganan sa bansa. BOY LLAMAS
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na