IBINAHAGI ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga cryptocurrency scam syndicates ay gumagamit ng social media platform tulad ng Facebook, Tiktok at Telegram upang makapambiktima ng mga Pinoy na gustong maging overseas workers.
“The trafficking landscape is very different now. Professionals are being lured into seemingly good-paying opportunities, only to end up being trafficked in this crypto scam,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco said.
Napag-alaman ng BI ang scam nang kapanayim ang walong repatriated overseas Filipino workers (OFWs) mula Cambodia.
Ang mga biktima ay anim na lalaki at dalawang babae ay dumating noong umaga ng February 26 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sakay ng Philippine Airlines mula Phnom Penh.
Ang mga ito ay nailigtas mula sa kanilang kumpanya sa tulong ng Philippine Embassy at ni Senator Risa Hontiveros.
Ang walong pasahero ay inasistehan ng Overseas Workers Welfare Administration at ng Department of Migrant Workers matapos sumailalim sa immigration clearance.
Sinabi ng mga biktima na sila na-recruit sa pamamagitan ng advertisements sa messaging at social media platforms tulad ng Telegram, Facebook, at Tiktok.
Tatlo sa mga biktima ay nakalabas ng bansa via Zamboanga, at ‘di dumaan sa formal ports. Tatlo naman sa kanila ay sa pamamagitan ng Clark, habang ang dalawa ay sa pamamagitan ng NAIA.
Ibinahagi ni Tansingco na ang immigration officer mula sa Clark na ipinatawag at iniimbestigahan dahil sa umanoy pasilitasyon ang siya ring opisyal na nagpalusot sa tatlong biktima.
Samantala ang tatlo na nakaalis via Zamboanga ay nagsabing inabot sila ng pitong araw bago makarating sa kanilang destinasyon. Matapos na manggaling ng Cebu patungong Zamboanga, sila ay nagpunta ng Jolo, Brunei, Jakarta, at Thailand bago tuluyang makarating sa Cambodia.
Ang dalawa na nakaalis naman via NAIA ay nagpanggap na tourists. Ang isa ay nagsabing isa siyang opisyal ng lokal na kumpanya, habang ang isa ay nagbiyahe mula Bangkok patungong Cambodia kasama ang kanyang girlfriend. Sinabi ng mga ito na sila ay nagbabakasyon pero nauwi din bilang workers ng scamming syndicate.
Ang girlfriend ay nauna ng makauwi dahil sa namatayan ng kapamilya, pero ang kanyang nobyo ay naiwan dahil pinagbantaan at kailangang bayaran ang ‘di pagtupad sa kontrata ng kanyang nobya.
Ang mga biktima ay pinangakuan ng 1000 USD kada buwang sahod at pwersahang pinagtatrabaho ng 16-18 oras kada araw nang walang day off.
Muli ay nanawagan si Tansingco laban sa mga illegal job offers online.
“The trafficking landscape is very different now,” sabi ni Tansingco.
“Professionals are being lured into seemingly good-paying opportunities, only to end up being trafficked in this crypto scam,” sabi pa nito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA