November 23, 2024

BI PINAYAGAN ANG OVERSTAYING NA DAYUHAN NA MANATILI SA PILIPINAS

Pansamantalang sinuspinde ng Bureau of  Immigration (BI) ang Order to Leave (OTL) na ibinibigay sa mga dayuhan na overstayed na ang kanilang temporary visitor’s visa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ipinatupad ang kautusan na isuspinde ang OTL bilang konsiderasyon sa epekto ng pandemya sa domestic at international travel.

“Pursuant to various resolutions from the IATF directing the public to exercise social distancing and minimize travel, and in the interest of public safety and welfare, we will be implementing this order as a form of regulatory relief for foreigners,” saad niya sa isang pahayag.

Ibinahagi rin ni Morente na ang suspensyon ay tinutumbasan din ang pagpapalawig sa kaluwagan ng ibang bansa sa mga Filipino na nakararanas din ng katulad na sitwasyon sa abroad.