MAGHIHIGPIT pa lalo ang Bureau of Immigration sa mga pasahero mula sa 20 bansa bilang karadagang hakbang upang malimitahan ang pagkalat ng napapaulat ng bagong bersiyon ng COVID-19 virus.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang travel restriction ay alinsunod sa kautusan ng Malacañang na palawigin ang travel van para sa mga manggagaling sa United Kingdon, gayundin sa 19 pang mga bansa.
Kung maalala ay sinuspinde ang mga flights mula UK simula noong Disyembre 24 na pinalawig hanggang Enero 15, 2021.
Dahil dito, ang mga uuwing pasahero mula sa nasabing bansa, ay pansamantalang pipigilang makapasok ng Pilipinas.
“The latest order from Malacanang expands this to 19 other countries,” saad ni Morente.
“Effective midnight of December 30 to January 15, foreigners coming from and transiting through the 19 countries, as well as those who traveled there 14 days prior, will also not be allowed entry,” pahayag pa niya.
Kabilang sa mga bansa na nasa listahan ay ang Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong SAR, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, at Spain.
\
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA