December 25, 2024

BI paiigtingin ang online appointment system

NANGAKO si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na mas palalakasin nila ang “online appointment system” bunsod na din ng pagtaas ng bilang ng publiko na gumagamit nito.

Matatandaan na ipinatupad ng BI ang online appointment system nito lamang buwan ng Hunyo upang matiyak na maipatutupad ang social distancing protocols kasunod ng pagkalat ng COVID-19 pandemic.

“The management recognizes concerns about limited availability of schedules in the system, but we deem this system as a necessity to lessen the risks of the public when transacting in our offices,” wika ni Morente.

Intasan na rin ni Commissioner Morente ang lahat ng BI offices na na magpatupad ng isang sistema upang magpatupad ng magkakahiwalay na appointment para sa mga “accredited entities” na nagsusumite ng bulk processing ng aplikasyon.

“Bulk processing would lessen person-to-person contact, which would lower the risk of acquiring the virus. I have also instructed that a regular assessment of the system be conducted to ensure its efficiency and effectiveness.  These are new systems and procedures, and we’re still in the early phases of its implementation.  System assessments would allow us to fine tune this to better cater to the public,”  paliwanag ni Morente.

Maliban dito, target din ng BI ang pagpapatupad ng online transaction sa hinaharap.

 “We’re looking into implementing online transactions, and we’re still in the process of studying which processes can be fully automated,” pagtatapos ni Morente.