December 26, 2024

BI NANGANGAILANGAN NG 49 IMMIGRATION OFFICERS

Nangangailangan ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang tauhan na ipakakalat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang satellite offices nito sa buong bansa.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, aabot sa 49 na slots ang bubuksan para sa sinumang nais na maging kasapi ng tinaguriang “gate keeper” ng bansa.

Ang plantilla position ay para sa mga magiging immigration officer na magiging clerks, intelligence officers, at fingerprint examiners.

Ang mga interesadong aplikante ay maaari ring bumisita sa website ng BI sa immigration.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.

Ayon kay BI Personnel Section Chief Atty. Cris Villalobos, pinapayuhan ang mga aplikante na tumuloy sa online job application portal ng ahensya sa careers.immigration.gov.ph para sa listahan ng mga bakanteng posisyon at ng kinakailangang requirements.

Ang aplikasyon ay tatanggapin hanggang Enero 20, 2023, at ang mga may kumpletong requirements lamang ang tatanggapin.

Ang mga aplikante para sa posisyon ng immigration officer na makakatugon sa mga pangunahing kinakailangan sa dokumentaryo ay kinakailangang kumuha ng qualifying examination.

At ang mga piling aplikante ay sasailalim sa mga pagsasanay sa Philippine Immigration Academy, na matatagpuan sa Clark, Pampanga bago ipakalat ang mga ito sa buong bansa.