NAKA-HEIGHTENED ALERT na ang Bureau of Immigration (BI) para palakasin pa ang seguridad at pagbabantay sa mga papasok ng bansa lalo na ngayong holiday season.
Dahil dito, iniatas na ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang pagpapakalat sa mga immigration officer sa iba’t ibang paliparan at daungan sa bansa.
“This is to ensure that our campaign to thwart the entry of illegal aliens and prevent the departure of trafficking victims is not compromised during this Christmas season,” ani Morente.
Muli namang binantaan ni Morente ang mga sindikatong sangkot sa human smuggling at human trafficking, maging ang mga indibidwal na namemeke ng kanilang dokumento makapasok lamang ng bansa.
“These tricks will not work as our immigration officers are trained in passengers assessment and detecting fraudulent travel documents,” ani Morente.
More Stories
PANGLAO ISLAND SA BOHOL KABILANG SA TOP 10 TENDING DESTINATIONS PARA SA 2025
MISIS NI ER EJERCITO, PUMANAW NA
Tropical depression maaring pumasok sa PAR bukas