PINASALAMATAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa ibinigay nitong tulong para mapaganda ang kalidad ng kanilang serbisyo.
Sa isang pahayag, sinabi ni Morente na sila ay nagpapasalamat sa ARTA dahil sa pagbibigay sa kanila ng mga pagsasanay at patnubay sa pagsasaayos ng kanilang mga pamamaraan upang sumunod sa pamantayan ng ARTA.
“We are in the process of re-engineering our processes to streamline them in response to the call of the President,” said Morente. “We have actually streamlined it already in 2019, but given the unique environment that the pandemic has set, we feel the need to readjust our procedures to better serve the public in these trying times,” dagdag niya.
Ibinahagi ni Morente na sumailalim ang mga pangunahing opisyal ng BI sa online training kasama ang ARTA noong Pebrero 19 kung saan itinuro sa kanila ang pagpapatupad ng Citizen’s Charter, gayundin ang pagsusuri sa impact ng mga regulasyon.
“These learnings are very important in improving the quality of government service,” said Morente. “ARTA is a valuable partner of the agency and has really given our men a better insight on management,” wika niya.
Sumailalim din ang ahensiya sa audit mula sa ARTA noong Biyernes na pinangunahan ni ARTA Director General Atty. Jeremiah “My” Belgica, kung saan itinuro ng ARTA ang mga lugar para sa improvement.
“We invited all our heads for the session for them to see and hear specific concerns that need to be addressed. Some people think audits are something to be afraid of,” saad ni Morente
“On the contrary, audits give us an opportunity to view the agency from the outside to be able to see things that need to be improved,” dagdag pa niya.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna