
Nanawagan ang Bureau of Immigration (BI) sa mga mambabatas na amyendahan ang mga umiiral na batas upang isara ang ‘legal loopholes’ na nagpapahintulot sa mga banyagang fugitive na makaiwas sa deportasyon.
Isinagawa ni BI Commissioner Joel Viado ang apela matapos ang muling pagkakaaresto sa South Korean fugitive na si Na Ikhyeon sa Angeles, Pampanga.
Nadiskubre nitong kamakailan lang ng mga awtoridad ng BI ang legal tactics na ginagamit ng ilang abogado upang i-delay ang deportation proceedings, na nagpapahintulot sa mga fugitive na manatili sa bansa nang mas matagal kaysa sa kinakailangan.
Isang halimbawa ng mga taktikang ito ang pag-file ng mga kaso laban sa sariling kliyente, o sa dayuhang fugitive, upang mapanatili ang kanilang presensya sa Pilipinas para sa mga ongoing na kaso.
“If this goes unaddressed, then every fugitive will simply employ this tactic to delay their deportation or arrest. What will happen to us then?” giit ni Viado.
Ayon kay Viado, maraming mga dayuhang fugitive ang may malalaking pondo, malakas na koneksyon, at kakayahang mag-hire ng mga abogado na nakakaalam kung paano lumusot sa mga batas ng imigrasyon ng bansa
“Let’s admit, these fugitives are not ordinary criminals. They have deep pockets, powerful backers, and legal teams who understand how to exploit every possible loophole in our system,” diin ni Viado.
Inamin din ni Viado na, sa ilalim ng kasalukuyang legal na balangkas, minsan ay limitado ang kakayahan ng BI na kumilos.
“If there is an option for them to take advantage of a legal loophole, then we cannot do anything legally because our hands are tied. Kayat nagpapatulong sana kami sa ating mga mambabatas upang permanenteng maitama ang mga butas sa batas na ito.”
Sa kasalukuyan, ang BI ay nakikipagtulungan sa Department of Justice, Integrated Bar of the Philippines, at Supreme Court upang masiguro na ang mga legal na proseso ay hindi magagamit bilang isang panangga para sa mga kriminal.
Gayunpaman, kinilala ni Viado na ang legislative action ay kinakailangan upang magtatag ng malinaw at permanenteng mga prohibisyon laban sa mga taktikang ito.
“We need Congress to step in and introduce laws that prevent these delaying maneuvers. Without clear legal safeguards, we will continue to see fugitives manipulating the system,” aniya.
“Handa po kaming makipagtulungan sa ating mga mambabatas upang mapabuti at mapatatag ang ating immigration laws. Kailangang tiyakin natin na walang makakagamit ng ating sistema para sa kanilang pansariling interes.” “This case is a wake-up call. It highlights the urgent need for stricter oversight and a massive internal cleanup,” giit niya.
“We cannot allow our immigration system to be exploited by moneyed criminals with the means to bend the law in their favor,” dagdag pa nito.
“If the law allows them a way out, our hands are tied, and we are forced to comply. The only way to stop this is through legislative reform and strict enforcement,” idineklara ni Viado
More Stories
LTO pinalakas ang kampanya vs unauthorized sellers ng CTPL
Inagurasyon ng LPGHSTC pinangunahan ni Sen. Cynthia Villar
17 GAMOT ISAMA SA VAT EXEMPTION (Rekomendasyon ng FDA, suportado ni Gatchalian)