January 21, 2025

BI naglabas ng reminders sa outbound travelers para sa Holy Week

Bago ang Semana Santa, nag-isyu ang Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes ng mga paalala sa mga biyahero na kinakailangang magpakita ng karagdagang documentary requirements bago sila ma-clear sa pag-alis.

Sa isang pahayag, hinimok ni Commissioner Norman Tansingco ang mga dayuhang turista, opisyal at empleyado ng gobyerno, at mga magulang/tagapag-alaga na bumibiyahe sa ibang bansa na tiyaking mayroon silang kumpletong travel documents.

Para sa mga dayuhan o sa mga nanatili sa bansa ng higit sa anim na buwan, kailangan nilang makuha ang kanilang emigration clearance certificates sa alinman sa district, field, satellite at extension offices ng BI sa buong bansa. Gayundin, ang mga rehistradong dayuhan na may Alien Certificate of Registration identity card (ACR I-Cards) ay maaaring makakuha ng kanilang re-entry permit sa ibang BI Offices o sa BI NAIA one-stop-shop bago magpatuloy sa kanilang flight.

Binanggit ng BI chief na ang maagang pag-secure ng kanilang mga kinakailangang permit ay “makababawas sa kalahati ng oras ng pagpila, dahil hindi na sila kailangang pumila sa hiwalay na counter para sa mga immigration cashier.”

At the same time, he reminded Filipinos who are working in the government to present their required authority to travel overseas from their respective department heads.

Kasabay nito, pinaalalahanan niya ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa gobyerno na ipakita ang kanilang requirement authority para makabiyahe sa ibang bansa mula sa kani-kanilang mga department head.

Pinayuhan ni Tansingco ang mga magulang ng mga menor de edad na walang kasama na tiyaking makuha ang kinakailangang clearance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bago ang kanilang flight.

Hinimok ang mga overseas-bound travelers na mag-check in nang hindi baba sa tatlong oras bago ang kanilang flight at dumiretso sa immigration area para pagproseso upang maiwasan ang pagsisikip sa paliparan.

Aniya, habang inaasahan ang bahagyang pila sa immigration, tiniyak nilang full force ang manpower sa peak season.