MANILA, PHILIPPINES – Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbubukas ng maraming posisyon sa ahensiya para sa hiring at promosyon.
Sa isang advisory, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na 100 slots ang bakante para sa immigration officers na may plantilla position na Immigration Officer II na ide-deploy sa mga pangunahing mga paliparan at pantalan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
“We are filling out all the vacant items to ensure that our manpower are in maximum capacity once normal international travel has resumed,” saad ni Morente.
Bakante rin ang 148 posisyon para sa administrative aids at translator, intelligence agents, intelligence officer, and senior immigration officer.
Sinabi ni BI Personnel Section Chief Grifton Medina na ang mga aplikante sa posisyon ng immigration officer ay sasailalim sa iba’t-ibang pagsusulit upang masiguro na ang karapat-dapat sa nasabing posisyon ang nakuha.
“We are encouraging fresh graduates to apply as we need more young and vibrant officers to man our airports and seaports,” ayon kay Medina.
Ang mga aplikante ay sasailalim sa online examinations, interviews, at pag pumasa ay magti-training sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga.
Ang mga bakanteng posisyon ay maaring tumingin sa careers.immigration.gov.ph.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA