December 25, 2024

BI nagbabala sa human traffickers

NAGBABALA ngayong araw ang Bureau of Immigration laban sa humang traffickers na huwag samantalahin ang kasalukuyang pagluwag ng travel restrictions para sa pagpapaalis ng mga Filipino papuntang ibang bansa.

“Our officers at the airports have been ordered to thwart any attempts by these trafficking syndicates to send their victims abroad in the guise of being tourists,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.  “We will not allow them to board their flights and they will be sent home.”

Sinabi ni Morente na sa pag-alis ng mga paghihigpit sa non-essential overseas travel ng mga Filipino, ang mga immigration officer ay inatasan na maging mas mapagmatiyag sa pag-screen ng mga papaalis na mga pasahero at magsagawa ng pangalawang inspeksiyon sa mga may kaduda-dudang layunin sa paglabas ng ibang bansa.

“We are warning our kababayan not to fall prey to the schemes of these syndicates as they will only put you in harm’s way and expose you to possible abuse,” giit ng BI chief.

Nagbabala rin siya sa mga Filipino na nais magtrabaho sa abroad na huwag gumamit ng pekeng travel document at hindi magsabi ng totoo patungkol sa layunin ng kanilang biyahe.

“Aside from passports and work visas, departing overseas Filipino workers (OFWs) must have an overseas employment certificate (OEC) from the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) which they have to present to our officers at the airport,” ani Morente.

Sinabi naman ni Atty. Candy Tan, BI port operations division chief, na bago pa man alisin ang mga paghihigipit sa outbound non-essential travel ng mga Filipino, marami nang naharang ang BI officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na mga pasahero na nagsabing mga OFWs pero nabisto dahil sa kanilang bogus travel papers, kabilang na ang pekeng visa OECs at tampered passports.

Ayon kay Tan, kadalasan binibigyan ng mga illegal recruiter ang kanilang mga bitkima ng tourist visa at papangakuan ng working visa kapag nakarating na sila sa kanilang foreign destinations.

“Some of them even pretended to be seafarers who attempted to leave with fake seaman’s books and letters of guarantee from their alleged employers,” dagdag niya.

Nitong 2020, mahigit sa 300 Filipino na umano’y biktima ng human trafficking o illegal recruitment ang itinurn-over ng BI sa Inter-Agency Council Against Trafficking at ng POEA.

Una nang naglabas ng katulad na babala ang POEA sa mga aspiring OFWS. Sa isang advisory, pinaalahanan ng POEA ang mga naghahanap ng trabaho sa ibayong dagat na dapat silang magkaroon ng legitimate travel document tulad ng passport, work visa at iba pa.

Nangangamba umano si Morente na marami pang Filipino ang mga biktima ng trafficker dahil sa pandemic.

“These times of uncertainty could be abused by human traffickers, who will promise greener pastures to our kababayan,” saad ni Morente.

“Do not fall for their schemes,” babala pa niya.