November 5, 2024

BI MULING NAKAHARANG NG UNDERAGE NA OFW

CLARK, PAMPANGA – Muli na namang nakaharang ang Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) nitong Lunes ng isang underage overseas Filipino worker (OFW) na papuntang Middle East.

Ibinahagi ni BI Commissioner Jaime Morente, patuloy pa rin ang mga trafficker ng underage OFW sa kanilang masamang gawain, sa gitna ng patuloy na imbestigasyon na itinutulak ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

 “These criminals are not stopping their illegal business despite being exposed and even during the time of pandemic,” said Morente.  “Mga halang ang kaluluwa, they are out to exploit the vulnerabilities of our children for their greed,” dagdag niya.

Inamin ng babaeng biktima, na hindi isiniwalat ang pangalan alinsunod sa anti-trafficking laws, na siya ay 27-anyos pa lamang at bibiyahe para magtrabaho bilang domestic helper sa Saudi Arabia.

Gayunpaman, sinabi ni primary inspection officer Abergas na hindi nagtugma ang kanyang pahayag kaya isinangguni siya sa secondary inspection sa Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng BI.

Habang ini-interview, nagkamali ang biktima sa kanyang pahayag kaugnay sa kanyang edad. Sinabi nito na siya ay 27, pero ang kanyang nakakatandang kapatid ay 23. Sa patuloy na pagtatanong, umamin din ito na siya ay 21 pa lamang, at isang nagnangalang “Munalisa” ang nagturo sa kanya na huwag ibunyag ang kanyang tunay edad.

Ang minimum age para makapagtrabaho bilang domestic workers sa Middle East ay 23.

Ibinahagi rin ng BI dinaya rin ang birth certificate ng biktima kung saan lumalabas na siya ay 30-anyos na.

“This is a clear case of human trafficking of an underage OFW, preying on their needs and providing them documents through fraudulent means,” ani Morente.  “We warn on our kababayan not to fall prey for these illegal schemes,” dagdag niya.

Kung matatandaan sa ginanap na pagdinig ng Senado kaugnay sa human trafficking ng mga menor de edad, nabanggit na ang mga underage na OFW ay illegal na pinapadala sa Syria at iba pang war-torn countries, kung saan marami sa kanila ay pinagsamantalahan, inabuso at hindi binayaran.

Pinuri naman ni Morente ang mga tauhan ng immigration na nakasagip sa biktima. Pinaalalahan din niya ang lahat ng frontline officer na ipiagpatuloy ang kanilang pagmamatyag at maging maingat para sa mga biktima ng human trafficking.

 “The pandemic has opened up opportunities for these traffickers to exploit people in dire need of work,” ani Morente.  “We are the last line of defense in the border against these illegal acts, let us remain steadfast in our duty in protecting Filipinos from trafficking and illegal recruitment,” dagdag pa niya.