PINAALALAHANAN ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Filipino na nais maglakbay sa ibang bansa bilang turista na hindi pa rin sila pinapayagang makaalis ng bansa sa gitna ng patuloy ng pandaigdigang pandemya ng COVID-19.
Inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente ang pahayag matapos makatanggap ng ulat na anim na mga Pinoy ang hinarang kamakailan lang na pumunta sa Cambodia sa pamamagitan ng special chartered flight mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nabatid na pinigilan ang naturang mga pasahero dahil sila ay mga turista lamang na hindi naman mahalaga ang layunin sa pagpunta sa ibang bansa at hindi rin sila pasok sa kategorya ng mga traveler na exempted mula sa travel ban habang ang bansa ay nasa ilalim ng community quarantine.
“We want to emphasize and reiterate that Filipinos are still prohibited from leaving the country unless they are Overseas Filipino Workers (OFWs), holders of study visas or permanent residents in the country of their destination,” ani ni Morente.
Humingi ang BI chief sa publiko ng pang-unawa, na sinasabi na ang bureau ay magpapatuloy sa ipinatupad ang existing international travel restriction hanggang sa ito ay i-lift o i-relax ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID).
Ayon kay BI port operations acting chief Grifton Medina, ang anim na pasahero ay pinababa sa kanilang flight noong June 29 matapos nilang ipaalam sa immigration officer na pupunta sila sa Phnom Penh para lamang dumalo sa isang business meeting para sa shrimp farming.
Napag-alaman na marami ng hinarang ang BI na turistang Pinoy para makasakay sa kanilang flight sa NAIA magmula ng ipatupad ng pamahalaan ang paghihigpit sa international travel tatlong buwan na ang nakalilipas dulot ng pandemya.
Hinikayat ni Medina ang mga Filipino na nais bumiyahe o bisitahin ang kaning mga kaanak na maging mapagpasensiya at hintayin na i-lift ng IATF-EID ang restriction.
“These travel restrictions are only temporary and we should always bear in mind that the government implemented these measures to protect our countrymen against this deadly coronavirus,” dagdag niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA