Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration ang lahat ng BI-registered foreign nationals na may hanggang March 1 na lang sila upang mag-report ng personal sa mga tanggapan ng BI para sa 2022 annual report.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, non-extendible ang annual report period at maaring mapatawan ng multa o deportation ang mga hindi susunod.
“We urge all foreigners holding immigrant and non-immigrant visas to report to the nearest BI office for their annual report until tomorrow, March 1,” dagdag ni Morente.
Batay sa umiiral na guidelines, dapat gumawa ng taunang report ang mga BI-registered aliens sa loob ng 60 araw bawat calendar year.
Gayunpaman, nilinaw ni Morente na exempted dito ang mga dayuhan na 14 years old pababa at 65-anyos pataas, buntis, at person with disabilities na personal na humarap para sa AR.
“Those exempted may opt to file their AR through their authorized representative or any BI-accredited liaison officer,” paliwanag niya.
Noong nakaraang taon, nakapagtala ang Bureau ng kabuuang 140,148 dayuhan para sa annual report. BOY LLAMAS
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY