Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga taong gumagamit ng mga bata at miyembro ng pamilya para iwasan ang mahigipit na inspeksyon sa imigrasyon.
Ayon kay BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) Chief Ma. Timotea Bariza, kamakailan ay nakatagpo sila ng aspiring overseas worker na tinangkang bumiyahe kasama ang menor de edad na anak ng kanyang sponsor at kanyang asawa.
“Upon secondary inspection, we noted numerous red flags and inconsistencies in his statements,” saad ni Barizo. “He did not have proper documentation to prove his purpose, and we highly suspect that this is only a guise to be able to depart the country and work abroad,” dagdag niya.
Pagkatapos ay ibinahagi ni Barizo na marami na silang na-encounter na mga pagtatangka upang pagtakpan ang kanilang tunay na layunin ng paglalakbay.
“Many times, these aspiring overseas workers are improperly documented, and some even have connecting flights to other countries that they don’t present during inspection,” ibinahagi niya.
Samantala, pinaalalahanan ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga aspiring overseas Filipino worker na mayroon silang wastong mga dokumento mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) bago umalis ng bansa.
“Legitimate OFWs get immediate assistance and protection from the government in case they encounter trouble in their countries of destination,” saad ni Morente. “Those who leave illegally become vulnerable and are prone to abuse, hence we remind those who wish to seek employment abroad to always secure their jobs through legitimate means,” dagdag niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY