NASA kabuang 59 na bagong batch ng mga immigration officers sa ilalim ng Philippine Immigration Academy (PIA) ng Bureau of Immigration (BI) ang nakapagtapos
NADAGDAGAN ng bilang ang immigration officers (BI) makaraang magtapos sa pagsasanay ang nasa 59 bagong immigration officers (IOs)
UMABOT sa 59 bagong immigration officers (IOs) ang nakapagtapos sa Philippine Immigration Academy (PIA) ng Bureau of Immigration sa Clark, Pampanga.
Ang mga bagong IOs na binubuo ng 36 babae at 23 lalaki ay nanumpa sa ginanap na graduation ceremony sa Alpha Aviation Center sa Clark Pampanga.
Naging panauhing pandangal si Atty. Agnes VST Devanadera, presidente at CEO ng Clark Development Corp, na nagbigay ng paalala sa mga IOs sa paglaban sa human trafficking.
Dumalo rin sa seremonya ang mataas na opisyales ng BI partikular sina Commissioner Norman Tansingco at Deputy Commissioners Joel Anthony Viado at Daniel Laogan.
Ayon kay Tansingco, ang mga nasabing nakapagtapos ay sumailalim sa isang fast-tracked course na naglalayong magbigay ng maigsi na karanasan sa pag-aaral para sa mga bagong IO na magsisilbing frontliners sa mga pangunahing paliparan sa bansa.
Sambit pa nito na 37 mula sa 59 bagong IOs ang ide-deploy sa NAIA, habang ang iba pa ay ipakakalat sa Clark, Kalibo, Cebu, at Zamboanga.
“This will further add up the reserve immigration personnel assigned in terminals 1 and 3, and ensure the public of our continued effort to make more convenient for the international travelers,” dagdag pa ni Tansingco. Malaking tulong din ang mga ito para mabawasan ang mahabang pila sa mga immigration counters sa NAIA na inirereklamo ng mga pasahero. ARSENIO TAN
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag