November 5, 2024

BI maghihigpit sa screening sa mga dayuhang na nagpakilalang may asawang Pinoy

IPINAG-UTOS ng Bureau of Immigration sa kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang paliparan na salaing mabuti ang mga dayuhan na nagpapakilalang kasal sa mga Filipino bago sila payagang makapasok ng bansa.

Inilibas ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang kautusan matapos makatanggap ng report na may ilang mga dayuhan ang nagtatangkang pumasok sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpepresinta ng pekeng marriage certificates.

“I have ordered our frontline officers at the ports to be doubly strict in screening foreigners alleging that they are married to Filipinos or have Filipino children here. It is not enough that they have entry visas, marriage and birth certificates in their possession,” wika ni Morente.

Kung matatandaan, binago kamakailan lang ng pamahalaan ang paghihigpit nito sa pagpasok ng mga turistang dayuhan kung saan papayagan lamang silang makapasok ng Pilipinas kung sila ay may asawang Filipino o menor de edad na Filipino o children with special need, anuman ang edad.

Gayunpaman,  nagbabala si Morente na hahabulin ng BI ang mga dayuhan na nagawang makapasok ng bansa sa pamamagitan ng panloloko at pagbibigay ng maling impormasyon.

Hiniyakat din niya ang publiko na isumbong sa Kawanihan ang sinumang dayuhan na hinihinalang sangkot sa pamemeke ng kasal na kanilang aarestuhin at ipadedeport.

Ayon kay BI Port Operations Division Acting Chief Grifton Medina bilang tugon sa direktiba ng BI Chief, lahat ng mga immigration officers na namamahala sa mga paliparan ay inatasan na maging mabusisi sa screening sa mga dayuhang asawa at magulang ng mga Filipino.

“It is not enough that these passengers have entry visa, marriage, and birth certificates in their possession. If they notice inconsistencies in a passenger’s answer to their questions, the latter should be referred for secondary inspection, either to the immigration supervisor or personnel from our Travel Control and Enforcement Unit (TCEU),” ani ni Medina.