December 25, 2024

BI ISINELDA 4 NA DAYUHAN SA PAGGAMIT NG PEKENG TRAVEL DOCS SA NAIA

ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na dayuhan na nagtangkang umalis ng bansa gamit ang pekeng travel documents.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, napigilan ang mga dayuhang pasahero sa magkakahiwalay na araw sa unang linggo ng Pebrero ng mga tauhan ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Thanks to the vigilance of our officers at the airport we were able to prevent these illegal aliens from slipping in or out of the country,”  saad ni Tansingco.

Sa ngayon ay nakakulong na ang mga dayuhan sa detention center ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation proceedings.

“Afterwards, we will include them in our immigration blacklist to prevent them from reentering the country,” dagdag ng hepe ng BI.

Tinanggkang umalis ng bansa ang apat na dayuhang pasahero upang iwasan ang kaparusahan para sa kanilang immigration offences sa pamamagitan ng paggamit ng pekeng travel documents, isang  pagkakasala na parurusahan ng deportasyon sa ilalim ng Philippine Immigration Act.

Unang naaresto ang Indian national na si Harpreet Singh Ahitan, 32, noong Pebrero 3 na nahuling nagtataglay ng fake immigration visa extension sa kanyang passport bago sumakay ng Air Asia flight patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

Noon namang Peb. 6 ay isang Chinese national na si Zhang Yang, 30, ang naaresto nang magtangkang umalis via Philippine Airlines flight patungong Bangkok pero natuklasang may pekeng Philippine visa sa kanyang passport.

Nang pareho ding araw, ang Indian national na si Maleet Singh, 42, ay naharang nang magtangkang sumakay Thai Airways flight patungong Singapore matapos matuklasan ng BI officers na ang immigration arrival stamp sa kanyang passport ay peke.

Peb. 8 naman naaresto ang Korean national Lee Jihun, 38, na wanted sa Korea dahil sa electronic financial fraud. Siya ay inaresto dahil sa pagiging undesirable alien, undocumented at pagtataglay ng revoked passport.

Iniulat din ng BI ang pagkakaharang ng mga dumadating na dayuhan na lumabag sa immigration laws.

Kinilala ang naaresto na si Taiwanese national Lin Chia Hao, 29, at dumating sakay ng Saudia flight mula Jeddah noong February 8. Siya ay nagtangkang pumasok ng bansa na may pekeng Philippine visa sa kanyang passport.

Noon namang Peb 10, naaresto ang South Korean national na si Kang Juchun, 38, na wanted sa kasong murder at pag-abandona sa kanyang biktima. Siya ay naaresto sa pagiging undesirable alien at itinuturing pugante sa batas ng Interpol.