IPINA-DEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang sampung mga puganteng Japanese national na wanted sa mga awtoridad sa Tokyo dahil sa pagkakasangkot sa isang big-time telecommunication fraud.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, dakong alas-10:00 ng umaga nang lisanin ng mga deportees ang Ninoy Aquino International Airport sakay ng Japan Airlines flight patungong Narita.
Ineskortan sila sa kanilang flight ng Japanese policemen na unang dumating sa Maynila para sunduin ang mga ito, ayon kay Morente.
\“All of them are now banned from re-entering the Philippines as a result of their inclusion in our immigration blacklist of undesirable aliens,” dagdag ng BI chief.
Kinilala ang mga napa-deport sina Mishima Takumi, Tabata Ryota, Kawasaki Ryuto, Irabu Shioki, Onishi Shunsuke, Omata Kenta, Sato Takatoku, Hashizumi Ryushin, Mitani Ren at Oshita Nobuki.
Pinatalsik sila alinsunod sa summary deportation order na inisyu ng BI board of commissioner laban sa kanila noong Disyembre 5, 2019, matapos silang maaresto ng mga operatiba ng BI sa Makati City.
Lumalabas sa record na kabilang ang mga deportees sa 34 Japanese national na naaresto noong Nobyembre 13, 2019 ng mga operatiba ng BI fugitive search unit (FSU) sa loob ng isang hotel sa Makati City kung saan naaktuhan sila na sangkot voice Phising at telephone fraud activities.
Inakusahan ng Japanese authorities na ang mga naaresto ay mga miyembro ng isang organized crime syndicate na nagsagawa sa isang modus na nambiktima ng maraming Japanese citizens.
Natangayan nila umano ang kanilang mga biktima ng humigit-kumulang sa 2 bilyong yen, o may katumbas na isang bilyong piso, na nagdulot ng matinding pinsala sa Japanese society.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY