November 18, 2024

BI GUMAWA NG TIKTOK ACCOUNT VS HUMAN TRAFFICKING

INILUNSAD ng Bureau of Immigration (BI) ang sariling nitong Tiktok account upang laban ang trafficking syndicates na nagre-recruit sa pamamagitan ng social media platform.

Ibinahagi ni BI Commissioner Tansingco na nakatanggap sila ng report na ilang young urban professionals ang nire-recruit via Tiktok, Facebook at iba pang messaging at social media application upang magtrabaho sa ibang bansa sa Asya bilang cryptocurrency scammers.

Ang mga biktima ay inalok ng buwanang suweldo na US$1000, ngunit nauwi sa trabaho bilang online scammer.

“Kailangang nating humabol,” saad ni Tansingco. 

“These syndicates are using these new platforms in recruiting, hence we believe that we need to use the same channels to reach out to the younger audiences to remind them not to fall victim to these scams,” dagdag pa niya.

Pinaalalahanan ni Tansingco ang mga aspiring OFWs na maghanap ng trabaho sa pamamagitan lamang ng mga lehitimong outlet tulad ng Department of Migrant Workers.

Idinagdag niya na ang human trafficking ay isang malaki at seryosong problema na nangangailangan ng orchestrated efforts ng mga kinauukulang tanggapan ng gobyerno sa paglutas nito.

Ang BI TikTok account ay immigph.