December 28, 2024

BI CHIEF MULING NAGBABALA VS HUMAN TRAFFICKING AT ILLEGAL RECRUITER

“Walang maloloko kung walang magpapaloko. There are already a ton of information available about the modus operandi of these syndicates.  Do not be the next victim.”

Ito ang babala ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, kung saan sinabi nito na lalong pagbubutihin ng BI ang kampanya kontra illegal recruitment at human trafficking at hindi nakakaapekto sa ahensya ang mga batikos na tinatanggap sa social media.

“I have instructed our officers to keep doing their duties with dignity and patriotism.  Social media ridicule will not deter us from performing our mandate to combat human trafficking in our ports.  There will be no letup in our campaign so long as these traffickers and illegal recruiters continue to prey on our countrymen who are sent to work abroad without proper documents and protection from the government,” saad niya.

Sinabi ni Tansingco na sindikato ng human trafficking ang nasa likod ng paninira laban sa BI.

Pinayuhan ni Tansingco ang mga opisyal at tauhan na maging mahinahon sa pagtupad sa tungkulin kahit na inuulan ng batikos sa social media.

Kamakailan tatlong Pilipino na pasahero ang nasabat na pinaniniwalaang nirekrut ng human trafficking syndicate patungong Dubai.

Ang tatlong pasahero ay nagpanggap na turista sa Hongkong subalit umamin na nirekrut bilang mga household workers sa Dubai. ARSENIO TAN