November 5, 2024

BI BINUKSAN BAGONG PLANNING OFFICE

Inanunsyo ng Bureau of Immigration ang pagtatatag ng isang bagong division na responsible sa pagmomonitor at pangangasiwa sa konseptwalisasyon at pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng ahensiya.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, fully operational na ngayon ang bagong planning and policy division (PPD) matapos ang pagtatalaga sa mga tauhan kamakailan lang na siyang mamahala at mag-o-operate ng opisina nito na pansamantalang makikita sa BF condominium bldg. na malapit sa main office ng bureau sa Intramuros, Manila.

Saad ni Morente na mahalaga ang pagbuo sa PPD, na pinamumuan ng officer-in-charge nito na si senior immigration office Jasmin Jamiuddin, upang matiyak ang direksyon at pagsubaybay sa mga plano at programa ng BI.

“We thank all government agencies involved in approving our request to set aside a budget for this new division as it will surely enhance our ability to plan, implement and monitor our programs and projects in the coming years and accelerate the development of our bureau into a modern and proud agency of government,” saad ng BI chief.

Dagdag ni Morente, na 19 BI personnel, karamihan ay immigration officers at iilang contractual workers, ang itinalaga sa PPD noong nakaraang buwan upang pangasiwaan ang smooth operation ng bagong tanggapan simula ngayong taon. BOY LLAMAS