PUWEDE nang makapasok sa bansa ang mga foreign spouses o asawa ng mga Pilipino kapag mayroon na silang existing visa na inisyu ng Bureau of Immigration (BI).
Pero nilinaw naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang mga banyaga ay papayagan lamang na makapasok sa bansa kapag valid pa rin ang kanilang mga visa.
Aniya kapag kasal daw ang isang banyaga sa Philippine citizen at may hawak na valid visa ay hindi na nila kailangang mag-secure ng entry visa mula sa port of origin.
Ang visa raw ang magsisilbing basehan ng mga Immigration officers na papasukin ang mga banyaga sa bansa.
Ang paglalabas ni Morente ni statement ay kasunod na rin ng kalituhan sa nauana nang direktiba ng BI na ang lahat ng mga foreign spouses, dependents at parents ng mga Pinoy ay kailangang mayroong appropriate visas para makapasok sa Pilipinas.
“If you are married to a Philippine citizen and a holder of a valid visa that you obtained from the Bureau, you may enter the country without the need to secure an entry visa from your port of origin. The visa that you hold will suffice as basis for our immigration officers to admit you upon your arrival in our ports of entry. Only foreigners married to Filipinos who do not possess any visa at all are required to secure entry visas to be able to enter our country,” ani Morente.
Nagbabala naman si Morente sa mga aliens na may existing visa pero mayroong pasong Alien Certificate of Registration Identity Cards (ACR I-Cards) na huwag nang tangkaing pumasok sa bansa dahil hindi rin sila papayagan ng BI.
Noong Miyerkules nang mag-isyu si BI Port Operations Division Acting Chief Grifton Medina ng memorandum na nagsasabing hindi na kailangang kumuha ng visa ang mga alien spouses, minor dependents at parents ng mga Filipino minors kapag mayroon silang valid visa na inisyu ng BI.
“For example, a holder of a valid 9(g) working visa or a Special Retiree’s Resident Visa (SRRV) can enter the country if he or she is married to a Filipino. They need not apply for a new entry visa from our Philippine Consulates abroad. They may join their spouses or children so long as they secure or possess the appropriate visas,” ani Medina.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA