TIMBOG ang isang BFP officer sa ikinasang entrapment operation, kahapon ng CIDG RFU 8 sa loob ng Robinsons Place, Marasbaras, Tacloban City.
Kinilala ni F/SUPT DOROTEO CLARO MOCCORRO BFP 8, ang suspect na si Fire Officer 1 KARLA RODRIGUEZ y Bakun, 29 years old, member ng BFP Guiuan Fire Station, residente ng Brgy. 02, Taft, Eastern Samar.
Sa ulat ni CIDG Major Glenn Aculana, nag-ugat ang reklamo makaraang dumulog sa kanila si Evelyn Patajo Orbita, isang BFP applicant na pinangakuan ng suspek na ipapasok na maging bombero, kapalit ng halagang Php150,000.00. Ayon kay Evelyn nakapagbigay na siya ng halagang Php60,000.00 via GCASH sa account ni Karla Rodriguez.
Agad namang nakarating ang kaso sa kaalaman ni F/SUPT DOROTEO CLARO MOCCORRO, BFP 8, kung saan ginagamit ang pangalan ng butihing Fire Superintendent na humingi ng tulong sa CIDG para sa imbestigasyon.
Sa pangunguna ni Maj Aculana, CIDG RFU 8-Special Operations Team ikinasa ang entrapment operation, na ikinadakip ng suspek sa nasabing Mall.
Nakumpiska ng otoridad mula suspek ang ipinain na boodle/marked money na Php51,000.00 mula sa BFP applicant na si Evelyn Orbita, kasama ang isang (1) keypad Samsung cellphone na kulay itim.
Dinala ang suspect sa CIDG RFU 8 Office para sa documentation, booking at kinasuhan ng Extortion and Violation of Anti-Red Tape Law, RA 9485 in relation to CIACO.
Ang pamunuan ng CIDG at BFP ay kaisa sa mithiin ng bagong halal na Pangulong BongBong Marcos na sugpuin ang Graft & Corruption sa bansa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA