
Binasag ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pananahimik matapos batikusin ng kanyang predecessor na si dating Executive Secretary Vic Rodriguez ang Cabinet revamp ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang press briefing ngayong Biyernes, nagpatutsada si Bersamin kay Rodriguez na umano’y “daldal nang daldal” at tila naghahanap lamang ng gulo.
“Alam mo si Vic Rodriguez, daldal nang daldal ’yan. Do you listen to him? Why was he taken out of the office of Executive Secretary? Wala pa siyang tatlong buwan,” ani Bersamin.
Ayon pa sa retiradong Chief Justice, mas pipiliin niyang balewalain ang mga kantyaw ni Rodriguez.
“Gusto niya makipag-away? ’Wag na. Kantyaw lang siya. That’s when you see, in the middle of the night, a dog barking at the fence… But we will not do that to him. ’Wag na nating pansinin,” dagdag pa niya.
Una nang tinuligsa ni Rodriguez ang panawagan ni Marcos sa lahat ng miyembro ng gabinete na magsumite ng courtesy resignation, aniya’y patunay ito ng kabiguan ng administrasyon sa unang tatlong taon nito.
“Kahit magpalit-palit ka pa ng mga kalihim, ang problema ay ikaw mismo,” buwelta ni Rodriguez.
Hindi na tinugunan ng Palasyo ang iba pang banat ni Rodriguez, sa halip ay nanindigang layunin ng Cabinet revamp ang pagpapatatag ng pamahalaan at mas mahusay na serbisyo sa publiko.
“Ignore the noise,” saad ng isang opisyal ng Palasyo — isang paalala na sa gitna ng ingay, mas mahalagang pagtuunan ang trabaho para sa bayan.
More Stories
10 KASO NG MPOX NAITALA SA SOUTH COTABATO
Dalagita, Tinangay ng Tricycle Driver sa Motel—Nakaligtas sa Dahas
ALICE GUO KINASUHAN NG 62 COUNTS NG MONEY LAUNDERING