Tuluyan nang ipinasara ng Makati City-Local Government Unit ang Berjaya Makati Hotel kung saan naka-quarantine ang tinaguriang “Poblacion Girl” na si Gwyneth Anne Chua.
Kasunod na rin ito ng pagsuspinde ng Department of Tourism sa accreditation ng Berjaya matapos ang paglabag ni Chua sa quarantine protocols makaraang lumabas sa hotel at mag-party.
Pasado alas=2:00 ngayong hapon nang ipinatupad ng Makati City Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang closure order ng Berjaya Hotel kasama ang ilang Makati Police kung saan ipinaskil sa harap ng entrada ng naturang hotel ang dalawang piraso ng kopya ng closure order dahil sa kapabayaan sa ginawang pagtakas ni Poblacion Girl habang naka-quarantine sa naturang establisyimento.
Ayon kay Atty. Don Camiña ang head ng Makati City Law Department kanilang ipatutupad ang tatlong buwang suspension order ng Department of Tourism.
Nilagdaan naman ng representative ng naturang hotel ang inihaing closure order ng BPLO subalit tumangging magbigay ng panayam sa media.
Matapos ang pagsasara sa Berjaya Hotel dumating din si NCRPO Chief P/ Major General Vicente Danao sa lugar at nagsagawa ng inspeksyon at nagtungo rin sa ilang kalapit na hotel sa lungsod ng Makati.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA