Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas sa PNP Anti-Cybercrime Group para tukuyin at papanagutin ang mga nasa likod ng bagsak presyong bentahan ng mga malalaswang larawan at video ng mga estudyante sa internet.
Ayon kay Sinas, imo-monitor ng ACG ang nasabing aktibidad.
Pero sa ngayon ay wala pa maman silang reklamong natatanggap tungkol dito.
Ayon kay Sinas, hindi naman kasi nila pinakiki-alaman ang social media lalo na kung ito ay personal post naman.
Gayunman, kanyang pinaalala na may mahalagang papel din ito ang mga magulang.
Nabatid na ayon sa Philippine Online Student Tambayan, isang news portal ng student sector, ginagamit ng mga estudyante ang hashtag saTwitter para sa pagbebenta ng kanilang larawan at video.
Ang Christmas bundle anila ay mabibili sa halagang P150. Ginagamit umano ang pera para pangsuporta sa kanilang online learning para makabili ng mga gadget.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA