November 24, 2024

Benny Antiporda, nahalal na full-pledge administrator ng NIA

BUMUHOS ang pagbati ng mga opisyal at empleyado ng National Irrigation Administration (NIA) si Administrator Benny D. Antiporda matapos ihalal ng mga miyembro ng NIA Board of Directors bilang bagong administrator ng Ahensiya sa katatapos lamang na 984th NIA Regular Board Meeting.

Si Antiporda ang ika-26th Administrator ng Ahensiya.

Bago maging full-fledged chief ng NIA, itinalaga si Administrator Antiporda ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units (LGU) Concerns at NIA Senior Deputy Administrator. Sa ilalim ng termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos, Jr., siya ay itinalaga bilang NIA Acting Administrator.

Sa layunin na paigtingin ang mga pagsisikap at tagumpay ng Ahensya sa mga darating na taon, ipinahayag ni Administrator Antiporda ang kanyang layunin na doblehin ang mga natapos na irrigation projects ng Ahensya na maaaring mapabilis ang irrigation development sa pamamagitan ng Public-Private at Public-Public Partnership (PPP at PUP). Ang lahat ng ito ay nakatuon sa pagkakaloob ng mahusay na serbisyo publiko, lalo na sa mga farmner-beneficiaries. Kaya naman inilunsad ang #NIAparasabayan upang paalalahanan ang lahat ng empleyado ng NIA na patuloy na gawin ang kanilang makakaya sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino.