Inalarma ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang 26 lugar dahil pa rin sa COVID-19.
Ilan sa mga lugar na inilagay sa Alert Level 2 ay ang Benguet, Ifugao, Quezon Province, Palawan, Camarines Norte, Masbate, Antique, Negros Occidental, Bohol, Cebu Province, Negros Oriental, Leyte, Western Samar, Lanao del Norte, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Dinagat Islands, Basilan, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi.
Samantala, nakataas naman ng Alert Leve 1 sa mga siyudad sa Metro Manila, maging sa ilang parte ng rehiyon ng Cordillera, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bico Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao Region, Soccksargen, CARAGA at Bangsamoro Autonomous Region.
Sa ilalim ng Alert Level 2 ay tanging 50 percent lang ang pinapayagang capacity sa mga indoor na establisimiyento, 70 percent naman sa open space.
Habang sa Alert Level 1 ay inaabisuhan ang lahat na sumunod sa minimum public health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.
Ang naturang desisyon ng IATF ay inaprubahan nina Department of Health OIC Maria Rosario Vergeire at IATF co-chairperson Benhur Abalos.
Tatagal ang alert level status hanggang April 30.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR