Ipinagdiinan ni Senator Francis Pangilinan na dapat ay may social protection ang mga motorcycle delivery riders, tulad ng health insurance.
“Buwis-buhay ang araw-araw nilang pagmamaneho sa kalsada. Lantad din sila sa iba’t ibang klaseng ng sakit, kaya kailangan nila ng proteksyon. Dapat may PhilHealth, SSS, Pag-IBIG ang mga riders,” sabi ni Pangilinan.
Dagdag pa nito, patuloy nilang pinag-uusapan ni Vice President Leni Robredo kung paano magkakaroon ng Philhealth coverage ang mga delivery riders para may masandalan sila kapag sila ay nagkakasakit.
“Sa kabila ng kontribusyon nila sa ekonomiya, ang kinakaharap nila ay unprotected labor, walang benepisyo, mababa at di sigurado ang kita, walang health insurance, walang separation pay. Hindi ito makatarungan,” dagdag pa ng senador.
Napakahalaga aniya ng kontribusyon ng delivery riders sa ekonomiya at nagsisilbi silang partners ng mga maliliit na negosyante.
Dagdag pa ni Pangilinan, suportado nila ni Robredo ang rekomendasyon ng International Labor Organization (ILO) na bigyan ng social protection coverage ang mga informal sector workers.
Kayat kontra ang senador sa pahayag ng Labor Department na ang motorcycle riders ay nasa contract of service kayat walang job security.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA