January 23, 2025

BENEPISYO NG PAGKAIN NG MANI O PEANUTS

Talagang masarap kumain ng mani lalo na kapag nanonood ng TV o movie marathon. Alam nyo ba na mayaman sa ito sa sustansiya at bitamina. Kadalasan, bumibili tayo nito sa mga nalalako o puwesto. O dili kaya, sa mga tindahan. Mapa-laga man ito o prito.


Ang isang tasa ng mani ay nagtataglay ng mineral, protina, potassium at iron. Kapag kumakain ang isang tao nito, maraming benepisyo ang maaaring idulot nito sa kanya.


Una, nababawasan ang tsansang magka-stroke. Gayundin ang pagpapaigi ng pagdaloy ng dugo sa ating utak. Nagdagdag din ito ng hormones para sa mga lalaki at babae.


Isa pa sa benepisyo ng peanut ay iniiwas ka na magkaroon ng Alzheimer Disease. Pinatitibay din nito ang ating buto upang di manghina o rumupok (brittle).


Binabawasan din nito ang timbang ng isang obese. Dahil sinusunog nito ang taba sa katawan. Gayunman, may limitasyon ito sa iba gaya ng may mga allergy. Bawal kainin ito lalo na sa may karamdaman sa gall , thyroid at kidney.