June 27, 2024

BENEPISYO NG ESTUDYANTE, ISA SA MGA POKUS NG USAF-PAF, BABHNS CLEAN-UP DRIVE

Ang 540th Air Base Group sa pamumuno ng Air Installation and Base Development Command ay nakisa/nakilahok sa Clean- up drive at painting of walls na provekto ng USAF na parte nakanilang balikatan. “So ang Main goal nito, tulungan yung Basa Air Base National High School (BABNHS) sa pagpapaganda, at pagpapaayos ng paaralaan para yung mga estudyante (ng BABNHS) conducive yung learning nila. Meron silang magandang environment, magandang classroom at magbibigay rin yung US Air Force ng mga school supplies and other sport supplies para sa mga estudyante ng BABNHS. ” ani Lieutenant Eduardo Sanchez Jr PAF ng 540th Air Base Group, Director for Civil Military Operations.

Nagsagawa ng Clean Up Drive sa Basa Air Base National High School (BABNHS) kasama, ang United States Air Force (USAF) 13th Fighter Squadron, 13th Fighter Generation Squadron, ang 355th AEW, 5th Fighter, 960th AMG at 540th Air Base Group noong Linggo, Mayo 5, 2024.

 Isa sa mga pangunahing layunin ng kaganapan na ito ay para matulungan ang mga mag aaral ng BABNHS at mapatibay, ang relasyon ng Air Force ng US at Pilipinas.

 “For us here, our primary role is to integrate with the Filipino Air Force to learn from each other and get better,” ani naman ni Lieutenant Colonel Keegan Dale, USAF 13 Air Expanditionary Group (AEG) Commander.

“Main purpose? I would say just to build a good relationship with the host nation here and you guys. It’s to make sure that we have great protection of the Philippines.” dagdag ng Chaplain Captain, Sam Kim USAF. Nasa Limampu’t siyam (59) na USAF at USMC personnel samantalang apatnapu’t pitong (47) Philippine Air Force naman ang mga dumalo sa nasabing Clean Up Drive at tumulong sa paaralan ng BABNHS.

Avon sa kanila, masaya sila sa naggawa nilang pagtulong at hinahangad nila na magkaroon ito ng magandang, resulta na magdadala rin ng kasiyahan sa mga mag-aaral, na makikinabang dito. Naabot din umano ang ekspektasyon ng punongguro ng BABNHS na si Ginoong Russel John M. Ronquillo

“Yes because they have been here and had their ocular activity and also they have stated yung kanilang objectives and as per the activity today, what they have said naman was accomplished,” aniya.