![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/tulfo4-2.jpg)
Tumanggi ang independent senatorial aspirant at media personality na si Ben Tulfo na pag-usapan ang politika at sinabi na nais niyang harapin ang tunay na problema at hamon na dinaranas ng mga tao.
Sa isang ambush interview matapos ang kanyang kick-off rally nitong Martes, tinanong si Tulfo kung ano ang kanyang komento sa isyu sa 2025 national budget.
“I do not want to talk about politics… I’d like to talk to you more realist, more pragmatic… Totoong kaganapan, totoong mga tao, totoong hamon, totoong problema, totoong solusyon na kailangan. ‘Yung mga tao na ‘yun, ‘yun ang importante,” saad niya.
“Kung ‘yung mga budget insertion, that is basically issues, and that is not exactly why I am here… I can talk about it but refuse now to talk about it, because I’d like to make sure my message resonates doon sa mga tao sa ibaba. I want ang advocacy namin resonating nationwide,” dagdag pa nito.
Pagpapatuloy niya, “Masyado nang hati ‘yung ating bansa. Puro pulitika ang pinag-uusapan. Ang sa akin lamang, paano naman sila? Sino ang nakikinig sa kanila? Huwag tayong malunod sa issue ng mga kung ano ang nangyayari sa bansa. Kasi ‘yan, it can solve itself.”
Pangatlo si Tulfo sa mga napipisil ng mga Pinoy na iboto bilang Senado sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong Enero.
Nanguna naman ang kanyang kapatid na si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa survey na may 62.8 percent voter preference.
Kung mananalo sila pareho sa eleksyon ay makakasama nila ang kanilang utol na si Sen. Raffy Tulfo sa Senado.
If they win in the May polls, they will join their brother, Sen. Raffy Tulfo in the upper chamber of Congress.
His brother, ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo topped the survey with a 62.8-percent voter preference
Tulfo ranked third among most preferred Senate bets in a January survey by Pulse Asia.
In an ambush interview after his kick-off rally on Tuesday, Tulfo was asked to comment on the alleged budget insertions made to the 2025 national funding.
More Stories
Bong Revilla, Villar at iba pa pormal nang inendorso… MGA PAMBATO NI MARCOS SA PAGKA-SENADOR WALANG BAHID NG DUGO, KORAPSYON
Survivor sa “Superman stunt” sa Marilaque binawian ng driver’s license ng LTO
KICK-OFF MOTORCADE RALLY NG ‘ANG BUMBERO NG PILIPINAS’ PARTY-LIST RUMATSADA NA