
May ilang teams ang interesado kay Ben Simmons ng Philadelphia 76ers na masungkit ang serbisyo nito. Kabilang na rito ang Los Angeles Lakers at New York Knicks. Isama pa ang Sacramento Kings.
Gayunman, nagpahayag si Simmons na nais niyang pumalaot sa Dallas Mavericks. Pero, wala pang pahayag ang Dallas kaugnay sa sinabi ni Simmons. Kung talagang kukunin ng Lakers, ikakasa ang isang trade. Na kasasangkutan ni star guard Russell Westbrook.
Maaaring maisalang din ang three team trade sa pagitan ng Sixers, Lakers at Kings. Ayon sa source, maaaring lambatin ng Lakers si Buddy Hield at 2 pa kapalit ni Westbrook. Gayundin ang siste sa 76ers. Kapag nagkatotoo, mapupunta si Westbrook sa Sixers.
Kung magkakasundo sila ng Knicks, maaaring isa si Derrick Rose at Julius Randle. Pero, maaari pa itong ikasa sa Enero at Pebrero 2022.
Kaugnay dito, wala pang pormal na negosasyon ang bawat kampo kaugnay sa balak na pagkuha sa Aussie cager.
More Stories
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN
LOUIE SALVADOR NG ‘PINAS NAGHARI SA FIDE-RATED CHESS TILT SA THAILAND