November 23, 2024

BELMONTE-SOTTO NAGHAIN NG COC

Ryan San Juan

PORMAL nang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Mayor Joy Belmonte para sa kanyang ikatlo at huling termino.

Sinamahan ang naturang alkalde ng kanyang tatay na si dating House Speaker at Mayor Sonny Belmonte.

“Higit na palalakasin ang mga premyadong programa tulad ng social services, health, education at shelter kapag pinalad na maging alkalde muli ng Quezon City sa darating na May 12 election sa susunod na taon,” anang alkalde.

Kasabay ni Mayor Belmonte na naghain ng COC si Vice Mayor Gian Sotto para sa kanyang reelection bid na simahan naman ng kanyang ama na si dating Senate President Tito Sotto.

Kabilang pa sa mga nag-file ng kandidatura sa pagkakonsehal ang mga kaalyado ni Mayor Belmonte na sina City Councilors Charm Ferrer, TJ Calalay, Bernard Herrera, Gabriel Atayde, at Majority floor leader Doray Delarmente mula sa District 1.

Mula sa District 2, sina City Councilor Fernando Michael “Mikey” Belmonte at Candy Medina  at sa District  3 ay si  City Councilor Gelyn Ge Lumbad, Wency Lagumbay at baguhang nais pumasok sa pagkakonsehal sa District 3 na si Chackie Antonio.

Nagsampa rin bilang re-electionist sa District 4 sina Councilors Nanet Daza, Irene Belmonte at Egay Yap, habang sa District 5 sina Councilors Alfred Vargas at Aiko Melendez, at tatakbo ring konsehal ang artistang si Enzo Pineda.