November 24, 2024

BELMONTE SA QCITIZENS: SUMUNOD SA HEALTH PROTOCOLS

Dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases, pinaalalahanan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mamamayan nito na sundin ang minimum health protocols matapos niyang ilabas ang guidelines o alituntunin na magiging gabay ng mga residente sa pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Quezon City,


“We call on our QCitizens to strictly follow minimum health protocols, especially now that we have the Omicron variant in our midst,” wika ng alkalde.

“Don’t leave anything to chance. We must prioritize our health before anything else so we must obey existing health protocols to be on the safe side,” dagdag niya.

Sa siyam na pahinang memorandum, isinaad ni ­Belmonte ang mga hindi dapat at mga dapat gawin ng mga mamamayan ng lungsod upang maiwasan ang muling pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng mga virus.

Una rito ang pagpapatupad ng disciplinary hours para sa minors. Bawal silang lumabas mula alas-10 ng gabi hanggang alas-singko ng umaga. Kasama na dito ang anumang pagtitipon ng maraming tao sa anumang okasyon maliban kung naipaalam sa Department of Public Order and Safety at pinayagan ng City Goverment.

Ang pagsusuot ng face mask at pag-obserba ng social distancing. Maging ang mga religious gatherings ay limitado lang sa 30 porsiyento ng kapasidad indoor at 50% outdoor. Kabilang dito ang mga lamay kung saan limitado lamang sa pinaka-malapit na kamag-anak ang maaaring dumalo. Bawal din ang pag-iinum ng alak, pagsusugal, pagbi-videoke at pagsisilbi ng pagkain kung saan maaaring tanggalin ang mga face mask.

Ang mga ‘di pa bakunado ay bawal na bawal lumabas ng kanilang mga bahay, ang paalala ni Belmonte. Ang mga senior citizen ay ganun din, maliban na lamang kung talagang may importanteng lakad o aasikasuhin. Ang mga restaurant at iba pang uri ng mga kainan ay maaari lamang tumanggap ng mga customer hanggang 30 porsiyento ng kanilang ‘indoor ding area’ at 50 porsiyento sa labas. Kinakailangang ang mga empleyado sa nasabing establisimento ay bakunado na rin. Ganun din sa iba pang negosyo.