November 5, 2024

BELMONTE PINASALAMATAN MGA NEGOSYO NA NAGBIBIGAY NG DISCOUNT, INSENTIBO SA MGA BAKUNADO

NAGPAPASALAMAT si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga business establishments na nag-aalok ng discounts at incentives bilang motibasyon upang ang kanilang mga kostumer ay magpalita sa vaccination program ng siyudad.



“We are thankful to the businesses and the rest of the private sector for finding ways to support our programs, especially the QC Protektodo vaccination rollout,” saad ni Belmonte. 

“Patuloy ninyo kaming pinapahanga dahil kahit nakararanas ng matinding pagsubok ang inyong mga negosyo ay nag-aabot pa rin kayo ng tulong sa ating mga kababayan. In return, we vow to support your incentives for immunity all the way,” dagdag niya.

Tinutukoy ni Belmonte ang Ingat-Angat  Bakuna program, kung saan ang 150 restaurant na nakilahok para magbigay ng malaking diskwento sa mga tao na kompleto na ang bakuna at  maaring ipakita ang kanilang vaccination card bilang katunayan.

Nitong Hunyo 6, umabot sa 333,773 indibidwal na kabilang sa A1 hanggang A3 na priority group ang nakatanggap na ng unang dose ng kanilang COVID bakuna, Ito’y
19.63 percent ng 1.7 milyon na target na populasyon na kailangan mabakunahan para makamit ang herd immunity o population projection.

Ayon kay Joseph Juico, head ng Task Force Vax to Normal, handa na ngayon ang lokal na pamahalaan para sa A4 priority group, na binubuo ng mga economic frontliner na naninirahan o nagtatrabaho sa lungsod. “We are currently ironing out our strategies to make sure that we will be able to inoculate all workers belonging to this group, from vendors to those in the transport sector as well as government, employees of MSME’s and big business, and employees of the city’s 67,000 strong IT-BPO sector”,  saad ni Juico. 

Saad niya, kasama sa mga plano ng siyudad ang paglulunsad ng mga mobile vaccination truck at bus, pagdaragdag ng vaccine drive-thru at pag-extend ng vaccination hours hanggang gabi kaya’t hindi na kailangan ng mga manggagawa na lumiban sa kanilang opisina o bawasan ang kanilang work hours upang makakuha ng bakuna.