December 27, 2024

Belmonte nangako na ia-apply ang mga natutunan sa IVLP para mas mapagsilbihan ang QC

Matapos dumalo sa 10 araw na leadership program sa United States program ng United States, nangako si Mayor Joy Belmonte na ia-apply niya ang kanyang natutunan upang mas mapagsilbihan ang Quezon City.

Bahagi si Belmonte ng International Visitor Leadership Program (IVLO) sa Washington, DC kung saan kasama niya ang iba pang local government officials mula sa buong mundo na ginanap mula Hulyo 11 hanggang 21.

The learnings that we will gain from this event would certainly be put to good use. We will fully utilize them for the betterment of our city and of our constituents,” ayon kay Belmonte.

Ang International Visitor Leadership Program (IVLP) ay isang professional exchange program ng U.S. Department of State. Hindi kailangang mag-apply para mapabilang sa IVLP.

Tanging U.S. Embassies sa buong mundo ang nagbibigay ng nominasyon kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat makasama sa programa. At mula sa mga nominasyon na ito, pinipili ng U.S. Department of State ang pinal na kalahok sa IVLP.