Ilan sa mga buntis na residente ng Quezon City ang napapaanak na lamang sa loob ng tricycle at iba pang hindi naangkop na kapaligiran dahil kailangan pa ng swab test result bago tanggapin sa isang ospital.
Kaya nanawagan si Mayor Joy Belmonte sa mga buntis sa siyudad na sunggaban ang libreng swab test program ng siyudad lalo na kung kabuwanan na nila.
“Ipinapaalala ko sa lahat ng QCitizens, lalo na ang mga may scheduled procedures sa mga ospital o sa mga malapit nang manganganak na may libreng swab test para sa ating mga residente,” saad ni Belmonte.
“Ginagawa nating libre ang testing upang hindi na madagdagan pa ang gastusin ng ating mga kababayang nangangailangang maospital,” dagdag niya.
Pero nilinaw ng alkalde na ang maaring kumuha lamang ng libreng swab test ng siyudad ay ang mga sumusunod sa prescribed procedure.
Ayon kay City Epidemiology Surveillance Unit head Dr. Rolando Cruz, para sa mga residente na nais sumailalim sa libreng COVID-19 testing ay kailangan magpa-book ng appointment sa online sa http://bit.ly/QCfreetest.
Matapos mag-fill out ng form, makakatanggap ng tawag ang nagre-request na indibidwal mula sa community-based testing (CBT) verifier upang higit na masuri ang kalagayan ng mga residente.
Makakatanggap din ng isang confirmation text ang residente para ipabatid ang schedule ng swab test na isasagawa sa isa sa mga CBT testing sited na matatagpuan sa lahat ng distrito ng siyudad, paliwanag ng lokal na pamahalaan.
“Swab testing is strictly by appointment and no walk-ins are allowed to avoid overcrowding. This is also due to the limited supply of daily test kits allocated for this purpose,” ani ni Cruz.
More Stories
PNP SPOKESPERSON, REGIONAL DIRECTOR NA
DA: IMPORTED NA BIGAS HANGGANG P58/KG
UKRAINIAN MMA FIGHTER BAGSAK KAY DENICE ZAMBOANGA