Umaasa si Quezon City Mayor Joy Belmonte na maparusahan at mabulok sa kulungan ang mga pumaslang sa isang miyembro ng LGBT community sa Quezon City nitong nakalipas na araw.
Kasunod ito ng pagkaaresto ng Quezon City Police District sa tatlong salarin na sina Zandee Gal Dela Cruz, Joel Montebon Loyola at Richard Elvin Delima Araza.
Ang tatlo ang brutal na pumatay sa 21 taong gulang na transman na si Norriebi Tria, na kilala bilang Ebeng Mayor at natagpuan sa bakanteng lote sa Sitio Bakal, Barangay Bagong Silangan, ng lungsod.
Sinampahan na ng kasong Rape with Homicide at Robbery ng QCPD ang mga suspek sa QC prosecutors office .
Bukod pa dito ang karagdagan pang kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition na isinampa kay Loyola.
Tiniyak pa ng QC local government unit na bibigyan nito ng tulong ang naiwang pamilya ng biktima.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO