Ilang linggo bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30, nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte na magbe-behave o magtitino na siya kumpara nang bago pa lamang siya sa trabaho bilang chief executive.
“Nakalagay dito, Mr. President, we are live on television. Takot sila mag mura ako,” sambit ni Duterte sa Puregold Sari-Sari Store Negosyo Convention 2022.
“I assure you I am quite behaved nowadays,” dagdag niya.
Nakilala si Duterte sa kanyang maanghang na pahayag. Kabilang sa kanyang mga nasampulan ay sina dating US President Barrack Obama, European Union at maging ang Santo Papa.
Nagpasalamat naman si Duterte sa mga naniniwala at sumusuporta sa kanya. “To those who believe in me and for I am on my tailend sa presidency ko. Yung tumulong sa akin, sumuporta all these years at yung umintindi ng mga hangarin ko sa ating bayan and brought me sa pagkapresidente ko for six years I would like to express my gratitude sa inyo at maraming salamat po,” aniya.
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS