TULUYAN nang sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang mandatory na paggamit ng Beep card sa mga bus na biyaheng EDSA simula ngayong Lunes, Oktubre 5.
Ito’y matapos tanggihan ng Beep card service provider na AF Payments na alisin ang P80 na singil sa nasabing card para sa EDSA Busway.
“We are saddened by the refusal of AF Payments, Inc., the provider of the automatic fare collection system (AFCS) at the EDSA Busway, to waive the cost of the beep card despite consistent pleas made by the government. This would have made a big difference to the commuters, mostly daily wage earners who are the most affected by the COVID-19 pandemic.”
Nilinaw ng ahensya na pwede pa ring gumamit ng Beep card ang mga pasaherong mayroon na ng automated card.
“Meanwhile, off board cash payment will be accommodated for those who have no card yet. Cash payments will be collected by personnel from the EDSA Bus Consortia at the stations. These personnel will be wearing appropriate face shields, face masks, and gloves to prevent the transmission of COVID-19.”
Sa ngayon maghahanap daw ang EDSA Bus Consortia ng panibagong service provider na magbibigay konsiderasyon sa problema.
“Meeting with other AFCS providers is scheduled on Tuesday morning.”
Magugunitang umapela ang Department of Transportation (DOTr) sa kompanya na ipamigay ng libre ang Beep card sa mga hindi pa gumagamit na pasahero.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA